Search This Blog

Wednesday, January 28, 2009

Isang Paninimdim

Ni: Zyriel Abejero

Ano ang silbi ng mga pananaginip

Kung ito ay hindi magkakatoo?

Bakit ba ako laging naniniwala

na isang araw, ikaw ay makakasama?

Ano ang silbi ng mga mithiin

Kung ito mismo’y hindi kayang abutin?

Tanong ko sa aking sarili

Bakit ba kita mahal?

Ano ang silbi ng paghihintay…

paghihintay ng isa o dalawang taon?

Kahit hindi ko naman alam

Kung may pagtingin ka rin sa akin gaya ng nararamdaman ko

Ano ba talaga ang silbi ang mga ito?

Ah, basta isang bagay ang alam kong totoo

Kahit sa panaginip man lang

ay nararamdaman kong mahal mo rin ako.

No comments:

Post a Comment