Search This Blog

Wednesday, January 28, 2009

feature article during the pop fiesta 07

Sa Likod ng Tagumpay!

Ni Zyriel Abejero

Bilang selebrasyon sa isang kapistahan, hindi na bago sa mga tao ang pagkakaroon ng mga gimik at kasiyahan. Habang tumatagal ang panahon, lalong dumarami at gumaganda ang mga kasiyahan na nagaganap sa isang kapistahan. Ang mga tao mismo ay nalilito kung saang kasiyahan pupunta, may baklaran, carnival o kaya naman mga konsyerto. Ngunit sa huli, iisang pagpapasya lang ang nangingibabaw na sinasabayan ng nag-uumapaw na kaligayahan.

Tuwing ika-25 ng Nobyembro ay nagdiwang ang mga DumagueteƱos ng kanilang kapistahan. Ngunit bago umabot ang araw ng kapistahan ay nagkakaroon na ng mga iba’t ibang gimik at kasiyahan sa buong siyudad. Tamang-tama, isa na rito ang tinatawag nilang “Pop Fiesta Concert” na kung saan ang mga artistang mang-aawit ay inimbitahan na magbigay-aliw sa mga DumagueteƱos. Inisponsor ng Uniliver Philippines ang nasabing konsyerto. Ang mga artistang naimbitahan kadalasan na magbigay-aliw ay sina Jay Perillo, Chad Peralta, Kyla, Jolina Magdangal at ang paborito ng lahat Spongecola.

Ika-21 ng Nobyembre, ganap na alas syete ng gabi, sa bulwagan ng Lamberto Macias Sports and Cultural Center nang pormal na sinimulan ang konsyerto. Sa una ay nagkaroon muna ng mga laro na inisponsor pa rin mismo ng Uniliver Philippines. Pagtakda ng alas otso ay nagsimula ng kumanta si Jay Perillo, isang kalahok noon sa “Star in a Million Batch 3”. Sumunod naman si Chad Peralta, isang kalahok sa Pinoy Dream Academy noon. Pangatlong nagbigay aliw ay si Kyla, ang RNB Princess ng Pilipinas. Hanggang sa umabot na ang oras ng pinakahihintay, ang Spongecola. Nagmistulang sabungan ng manok ang bulawagan ng Macias nang lumabas ang banding Spongecola. Kinanata nila ang mga pinasikat nilang kanta kabilang na ang “Bitiw”, “Tuliro”, “Jeepney”, “Crazy for You”, at iba pa. Halos lahat sa kinanta ng Spongecola ay alam na alam ng mga nanood kung kaya’t sabay na sabay sila kay Yael, ang bokalista ng banda. Dahil sa matinding indak at pagsabay ng tao sa banda ay sumabay na rin si Yael sa kanila. Bumaba si Yael sa tanghalan at pumunta sa mga tao habang kumakanta. Nagsigawan halos lahat ng tao dahil sa di matawarang pakikisabay ni Yael. Biruin mo, kahit sikat na ang banda nila ay wala pa rin siyang alinlangan na makisiksikan at makipag “Jam” sa mga ordinaryong tao.

Natapos rin ang konsyerto ngunit bitbit na bitbit pa rin ng mga taong nanood ang isang di-matatawarang karanasan na hindi makakalimutan magpakailanman.

No comments:

Post a Comment